Patawad ay isang salitang animo’y isang parusa ito’y
Sasambitin mo lang kung lahat ay huli na at di na
Maibabalik ang dating pinagsamahan parang putik sa
Mukha na pinahid ng pabalang.
Sa iyo lahat ay paharang dahil ayaw mong magparaya
Babang siya’y bigay ng bigay at ipinauubaya lahat ng
Makakabuti kahit pa ang huling butil ay iaabot sa iyo.
parang ika’y isang inutil na hindi nagiisip wala kang
nararamdaman subukan mang pumikit wala kang
natatandaan lagi mong inaalala ang para lamang sa yo
walang iba kundi ikaw at kailanma’y walang kayo
No comments:
Post a Comment