Monday, May 12, 2014

Himok ng Pagkakataon

Sadyang mapaglaro ang isip at nararamdaman ng mga tao ngayon. Yung kahapong mahal na mahal ka, bukas iiwan ka na. Yung mga taong hindi mo pinapansin, sila pa yung bigla nasa iyong tabi. At may mga salitang akala mo magpapatunay ng wagas na pagmamahalan pero isa lamang palang KASINUNGALINGAN....



Ang mahirap minsan sa iba kayang kaya nilang magpatay malisya sa mga sarili nilang kalokohan. Hugas kamay, mismong sila rin ang kumukumbinsi sa sarili nila na tama ang kanilang ginagawa at tunay na malinis sila...

"Masama na ba talaga ngayon ang gumawa ng mabuti at kailangan mo na itong ipaliwanag?"

Lahat ng tao isinilang ng mabait at may angking KABUTIHAN. Kaya lang nagiging masama at nagiging walanghiya, dahil din sa himok at gawa ng kanyang kapwa....

May katotohanan nga ang sabi nila, na kapag nasaktan ang taong tahimik nagiging GAGO!!. Kaya siguro hindi ko na alam magseryoso!!!

No comments:

Post a Comment