Ang
 pakikipag LIVE IN syempre mali. Pero ang advantage nito, nakikilala mo 
tunay na ugali ng mahal mo. Hindi mo kasi malalaman ang tunay na ugali 
ng isang tao hanggat hindi mo nakakasama sa iisang bubong. Dito 
malalaman mo kung hindi magbabago pagiging sweet at romantiko nito. 
Makikilala mo rin kung responsable ba siyang tao o may pagka bastardo. 
Swerte mo kapag nakatagpo ka ng babaeng pamamalengke ka, pagluluto, 
paglalaba, at aalagaan ka. Yung pinaiigting pa rin ang haba ng pasensya 
kahit namumuro ka na. Pinili ka pa ring mahalin, kahit ang sarap mo ng 
umbagin!!!!...
.
.
Wag
 mong babaliwalain ang isang tao na laging nagpapahalaga at naglalaan ng
 oras sayo. Dahil kahit sabihin mong ginusto nila yon, hindi mo ba 
naisip na nawalan din siya ng panahon sa iba at nasasayang ang 
pagkakataon niyang sumaya ng dahil sayo. Kaya matutong kang magpahalaga 
dahil hindi lahat ng tao ay kayang magbigay niyan para sayo!!!...
.
.
.
Pwede
 mong bilangin ang kasinungalingang pwedeng gawin ng taong mahal mo, 
pwede mong matanggap ang lahat ng yon pero hindi mo lang alam kung 
hanggang kailan mo siya kakayaning paniwalaan dahil ang lahat ng bagay 
ay may hangganan, maganda man o hindi!!.
.
.
.
.
pero
 hindi sa lahat ng oras ang tao nakakapagtimpi kapag harap harapan mong 
binabastos at ginagawang tanga ang taong nagpapahalaga sayo... darating 
din ang limitasyon ng bawat pagtitimpi....
.
.
Hirap magpakatotoo sa sarili mo sa mundong pilit kang pinagbabago.
No comments:
Post a Comment