ATTENTION: BRGY LOURDES STA.ROSA NUEVA ECIJA
Alam
nyo po ba ang guidelines ng Brgy na nasasakupan nyo... Hindi porke
kapamilya nyo at hindi taga sa inyo mag aagrabyado na kayo... Ayus kayo,
yung nagrereklamo ayaw nyo isama tapos yung nirereklamo pinipilit nyo
sumama at tinatakot nyo pa, at pinapabayaan nyo sumali ang mga ususero
at kayo pa mismo nagpoprovoke ng gulo at iskandalo... dapat sa brgy
pinaghaharap ang dalawang panig di sa labas ng kalsada, ano po..., TAO PO WAG TUTULOG TULOG, Gawin nyo tama ang trabaho nyo... ATBP. Store and computer shop bahay ni Marangal na si LUCITA Bulaclac.., Kay Rangal!!!!
Concern kasi ako check nyo baka maliwanagan kayo, Ano po?
Eka nga Basa basa din pag may tym... Payong legal po ito, di po ito palakasan ha...
Barangay Katarungan
ANO ANG BARANGAY KATARUNGAN?
Ang Barangay Katarungan ay isang sistema kung saansusubukan ayusin sa barangay level pa lang ang mga di pagkakaunawan nang mgamagkapitbahay, magkabarangay o residente nang munisipyo. Ang layunin nito ay para mapabilis ang sistemanang hustisya, mabawasan ang pagtambaks nang kaso sa korte, at hindi na mapagastos pa nang malaki nang dalawang panig.
Ano ang mga Legal na Usapin na dapat idulog sa Barangay Katarungan?
LAHAT nangmga hindi pagkakaunawaan, alitan at mga usapin legal nang mgakakapit bahay,magka-baranagay, magka-munisipiyo ay dapat dalahin muna sa Barangay Katarungan,maliban sa mga sumusunod, kung saan, maari nang madala agad ang kaso sa korte:
- Mga kasong criminal kung saan ang nagawang krimen ay may parusa na hihigit sa 1taon na pagkakakulong o multa na hindi hihigit sa 5,000;
- Kung ang nirereklamo mo ay ang gobyerno oprivate association o corporation;
- Problemanang empleyado sa kanyang pinagtatrabahohan;
- Problemanang pag-aari nang lupain kung ang lupain ay nasa ibang munisipyo makikita.
Ang mgakrimen na may hindi tataas sa 1 taon pagkakakulong na parusa ay dapat munangmadala ang reklamo sa Barangay Katarungan, kagaya nang mga sumusunod:
- Alarmsand Scandal – pag-iingay sa panahon na nananahimik ang iyong kapit bahay;
- SlightPhysical Injury – pananakit sa kapwa na hindi naman aabot sa sampung araw angpagpapagaling;
- Tresspasing– pagpasok sa bahay nang walang pahintulot
- LightThreat – pananakot nang walang hinihinging kapalit o di kaya ay hindi namankrimen ang gagawin sa taong tinatakot;
- LightCoercion – pagkuha sa kagamitan nang kapit-bahay na may dahas para langmagbayad nang utang;
- Theft– pagnanakaw na hindi naman tataas sa P50 ang halaga nang ninakaw;
- Malicious Michief – paninira nang kagamitanpero di naman hihigit sa 1000 ang halaga nang gamit na sinira;
- Estafa– panloloko na hindi naman hihigit sa 200 ang halaga nang naloko;
- Fencing– pagbili nang nakaw na gamit;
- Intriquingagainst honor – pagtsi-tsismis sa kapit-bahay;
- Coercioin– pamimilit sa kapitbahay na gawin o hindi gawin ang isang bagay na labag sakanyang kalooban;
- UnjustVexation – Pang-iinis o pang-aasar sa kapit-bahay.
- Ang Lupon nang Tagapamayapa ang siyang magiging katuwang nang barangay upang magkasundoang dalawang panig sa abot nang kanilang makakaya, gagampannan nila angpagiging: (a) Mediator (b) Conciliator (c) Arbiter.
- Ang pagiging Mediator o tagapamagitan ay pagtulong nang punong barangay namagkaroon nang katanggap tanggap na usapan/resolusyon ang dalawang panig. Dito,hindi pa nakikisali ang lupon member sa pag-aayos nang dalawang panig, punongbarangay pa lang ang siyang naka-takdang magsaayos nang problema;
- Ang pagiging Conciliator or tagapagkasundo, ay ang aktibong pakikipagnegosasyon sadalawang panig na mga usapang katanggap tanggap sa kanila. Dito na papasok angmember nang lupon nang tagapamayapa, pero hindi lahat nang lupon member aysasali sa conciliation, kukuha lang nang 3 lupon member para bumuo nang pangkatnang tagapamayapa;
- Ang pagiging Arbiter naman or tagahatol, ay ang paraan kung saan ang dalawang panigay pumapayag na kung ano man ang hatol nang Punong Barangay bilang Arbiter ornang Pangkat nang Tagapamayapa, ito ang susundin, dito, ang Arbiter mismo angmagbibigay nang hatol na dapat sundin nang bawat panig.
- Kung kabarangay mismo ang nirereklamo atnagrereklamo, sa Barangay nila mismo; at
- Kung magkaibang barangay nang iisangmunisipyo lamang, doon sa barangay nang nirereklamo.
Ang mga sumusunod ang mga prosesyong dapat sundin:
- Ang magrereklamong ka-barangay ay dapat personal na dumulog sa barangay;
- Ang barangay secretary ang siyang tatannggap at mag-rerecord ng mga reklamo;
- Ipapatawag nang punong barangay angnagrereklamo at nirereklamo para duman sa mediation process;
- Kung di mag-aayos sa mediaton process, ipapadala na ang reklamo para sa concillationprocess, kung saan bubuo na nang pangkat nang tagapamayapa;
- Tatlong myembro lang nang Lupon nang Tagapamayapa ang pipiliin para maging myembro nangPangkat nang Tagapamayapa;
- Tutulong ang pangkat nang tagapamayapa na para ma-solusyonan ang di pag-kakaunawaan;
- Kung magkakaayos ay magpipirmahan na ang dalawang panig nang Amicable Settlement;
- Kung hindi magkakaayos, sa unang pagkikita sa concillation ay pababalikin nang pangkatnang tagapamayapa ang magkabilang panig para sa isa pang concillation meeting.
- Kung hindi na magkaayos ang dalawang panig kahit na nagkaroon pa nang ilan pang concillation meeting ay mag-iissue nang Certificate to File Action ang barangay, ibig sabihin, hindi na kaya pa nang barangay ayusin ang gusot, kaya kung gusto nang nagrereklamo ay sa korte nanila idulog ang reklamo.
- Maari din naman na ang dalawang panig ay magpasya na gamitin ang arbit
No comments:
Post a Comment