Tuesday, January 14, 2014

#REALTalk to my mother


At kapag nagsasabi si tatay sa ginagawa ni Lola NapolesBulaklak at gusto na umuwi ni tatay ang lagi mong kataga " tiisin mo na lamang si nanay akala mo ba ikaw lang nahihirapan mas nahihirapan ako kapag nandito ka at isa pa nakikisama lang tayo dito"

NUng naresign sa work ang Tatay ko at nalugi ang bussiness na itinayo at nagdecide si tatay na umuwi sa pamilya... ang mga katagang wika mo sa kanya nanay " Kung kelen ka nawalan ng trabaho tsaka ka madalang kana pumunta dito, at bakit ka mahihiya sa amin may pera nmn tayo at di tayo umaasa sa kanila"
 
NUng buntis ka ang lagi mo paboritong kataga " ayoko mag pacheck up mag isa baka sabihin nila na kabit ako at disgrasyada pag di ka umuwi dito sa check up ko di mo na makikita ang anak mo at di ko ipapaalam sa iyo na nanganak na ako tandaan mo yan"..






NUng nkapanganak ka na sa akin pag uwing pag uwi nyo sa bahay ni lola. Ang paboritong kataga mo Para Kay Tatay " Lumayas ka na dito sa amin umuwi ka na sa inyo pabigat ka lang, hindi na kita kailangan kaya ko buhayin ang anak ko na mag isa" kahit nakaharap ang pamilya mo..



Kapag nagagalit or tinutupak ka kay tatay ang lagi mong katwiran inaatake ka ng "postpartum" ayus na alibay mo nanay eh bat sa pamilya mo nanay di mo magawang magalit kahit na lagi ako ginigising kapag akoy matutulog na at gustong gusto nila ako istorbuhin sa pagtulog ko..


Nung harap harapan binabastos si tatay ni Lola NapolesBulaklak kaharap ng mga kamag anak nyo, imbes na ipagmalaki ako ay kinukutya pa ang tatay ko sa mga katagang" Hindi bibinyagan yan Muslim Kasi yan", "Naku kung panget yan di ko babantayan at aalagaan yan hahayaan ko yan sa sulok kahit mag ngangawa yan".. sagot mo yaan mo na lang nakikisama lang tayo...



No comments:

Post a Comment