Tuesday, January 14, 2014

Nangyari sa Bahay ni nanay (Kailangan ko lang Ipublish to)

REALTALK

Mga Tauhan
Pamilyang Raflesiananay postpartumcornejo ( Ryann Bulaclac)
kuya ni nanay/Kuyamig ( Mel bulaclac )
Bunsong kapatid ni nanay/lack jaw pol/ Kupaltids (Paul Bulaclac)
Lola napolesbulaklak ( Lucy Bulaclac)

opisyales ng  Brgy (kamag anakan ni nanay )
Pulis ( kakilala nila nanay )
mga kamag anakan ni nanay at mga pakialamerong kapitbahay (Extra)

 Jan 14, 2014 12:50nn sa harap ng ATBP Store and Computer Shop ng kuya ni nanay postpartumcornejo Brgy., Lourdes, Sta. Rosa,  NE
(yung mga naalala lang ng tatay ko at mismong kausap niya ang natandaan niya maraming version ang hindi mailagay sa kadahilanan sabay sabay nagsasalita at di malaman ng tatay ko kung sino ba talaga ang kausap niya..) My Tatay Version



tatay ko: andyan po si Ann
asawa ng kuya ni Nanay: ay si Ann alam niya ba na pupunta ka dito?
tatay: hindi po eh
     may tinawag saglit:
kuya ni nanay: wala dito si ann Umuwi kana muna
tatay ko: gusto ko lang makita ang anak ko
kuya ni nanay: balak mo palang pumunta dito kapal ng hiya mo kung ano ano pinagsasabi mo sa facebook
tatay ko; hindi kayo ang pinuntahan ko dito ang anak ko?
kuya ni nanay: (Pasigaw na nanggigigil) Anong Anak ang pinagsasabi mo wala kang trabaho tapos sasabihin mo anak wala kang karapatan. kahit isama mo pa yung sinasabi mo na nakakaalam (IBP)
bunsong kapatid ni nanay: (pasigaw) ang kapal mo din ang tagal mong tumira dito palamunin ka dito tapos paupo upo ka lang
tatay ko: hindi ako tumira dyan
kuya ni nanay: ano sinasabi mo, ano ginawa mo dito
tatay ko: naglage lang
kuya ni nanay: ang hirap mo pala kausap, ikaw ngay mag patingin hindi ka na normal, ang kitid ng utak mo

Sabay banat ng bunso at labas ng gate ni lola napolesbulaklak nagkaroron na ng komusyon at nakatawag ng atesyon sa mga tao.. Iskandalo start.. sobra rangal talaga ng pamilya mo nanay postpartum biruin mo gusto marinig lahat ng tao sa inyo ang sinasabi ninyong katarantaduhan ng aking tatay at halos gusto maging bida...tanong lang nanay postpartum sinabi mo ba ang punot dulo at alam ba nila ang mga pinagsasabi nila?

bunsong kapatin ni nanay: (pasigaw) ang kapal mo 1 buwan halos tumira ka dito, tapos kung muramurahin mo ate ko sa txt
lola napolesbulaklak: anong pinagsasabi mo dyan
tatay ko: (medyo tumaas ang boses) bakit ako hindi nyo ako minumura
kuya ni nanay: (pinutol ang pagsasalita ni tatay ) umuwi ka nalang wala sila dito, nanay pumasok ka dito at walang kwentang kausap yan..

ang what the raflesia say Blame blame blame to each other so on and so forth...
natitigil ang bangayan kapag may bumibili sa tindahan 3 mins Break

... after 10 mins may mga opisyales daw ng brgy ang dumating isa din ang tono blame blame blame ni ayaw nga pakinggan ang side ng tatay ko, at ang pagkakareport ng kuya nya sa Brgy. siya daw ay nanggugulo.. naabutan ng BRGY. Official ang Tatay ko na naninigarilyo..

brgy tanod: sino nangguglo dito
       lumabas uli ang lola NapolesBulaklak at itinuro ang tatay ko
brgy tanod: bat ka nangguglo dito? (konpronta uli sa tatay ko)
mga usi, lola napolesbulaklak, kapatid na bunso ni nanay: isa ang tono "what the raflesia say" blame blame blame blame sa tatay ko.
kamag anak ni nanay : Umuwi ka na baka mapatay mo nanay ni postpartum.
      excuse me po pano mapapatay ng tatay ko yan nakapalibot sa tatay ko ang kamag anakan nyo.. ano po       ba tinira nyo?
tatay ko: nandito ako para bisitahin ko ang anak ko
brgy tanod: sino anak mo?
tatay ko: di yung sa anak niya (turo sa lola NapolesBulaklak ko)
brgy tanod: kasal ba kayo?
tatay ko: hindi
brgy tanod: sino sinasabi mong anak eh di naman kayo kasal at wala kang karapatan dun
tatay ko: pano nyo pong nasabi?
brgy tanod: kinikilala kaba nila, hindi ka nila kinikilala kaya wala kang karapatan.. umuwi ka na at nanggugulo ka na.
tatay ko: hindi po ako nanggugulo, narito ako para makita ang anak ko, kayo po ang nanggugulo
mga usi, lola napolesbulaklak, kapatid na bunso ni nanay: isa ang tono "what the raflesia say" blame blame blame blame at walang katapusang blame sa tatay ko. umuwi ka na

ipapakita sana ni tatay yung bc ko..

brgy tanod: panong hindi nanggugulo, ano yang ginagawa mo wala ka nang anak dito.. umuwi ka na nakakaintindi kaba ng tagalog umuwi kana

hanggang inikutan  na siya ng mga brgy Tanod at mga usi nung nakahalata ang tatay ko dumikit ito sa pader upang makita niya at makapagdepensa sya sa anumang gawing pag atake..dumami ang mga nag usyuso at parang naging palengke na sa halos sabay sabay na nagsasalita habang kinikonpronta ang tatay ko di malaman kung sino ang sasagutin pati mga usi akala mo alam ang punot dulo ng away..

brgy tanod: dalhin na yan sa brgy para imbestigahan at kunan ng salay at ikulong dun

sabay akmang hihilahin ang tatay ko at umatras ito sa isip nito bat ako lang ang dadalhin dun bat hindi kasama ang nagrereklamo isip ni tatay patay ako dito pag nagkataon na sumama ako at nagmatigas itong hindi sumama. at biglang lumapit ang nagjuejueteng sa tatay ko

Mag juejeuteng: umuwi ka na (sabay hawak sa balikat at pwersahang itinulak ang tatay ko at napaatras ang tatay ko sabay nagwika ito na.....,
tatay ko: bat nanghaharass ka na (sabay tingin sa nag juejueteng)
brgy tanod: umalis kana (sabay tingin ng masama at akmang susuntukin ang tatay ko)

itinaas ng tatay ko ang dalawa niyang kamay senyales na may treat na mangyayari sa tatay ko at sabay sabi

tatay ko: cge lang

hanggang sa dinikitan na ito ng mga kalalakihan ang tatay ko lumapit sya sa wall para kita nya kung sino unang bibira sa kanyan at ang itinanim na nito sa utak mapatay man nila sya dun sisiguruhin niyang may kasama siya sa pagbagsak niya...

Di ba Dapat pag nag responde ang brgy sya yung namamagitan at inaalam niya muna ang punot dulo bago sya gumawa ng aksyon hindi yung One sided lang, at para maayos ang isang sitwasyon hindi yung mananakot at mag proprovoke nang gulo at iniiwasang ang iskandalo etc ganyan ang brgy sa inyo nanay  ANG RARANGAL WALA AKO MASABI  NANAY.... in my point of view lang naman sa naranasan ng aking tatay...

...10 mins uli sabay dating ng police mobile at medyo nakahinga ito at nagtaka ito ang bilis naman at bigla lumapit ang aking tatay sa pulis para sa siguridad narin at nagsaalita ang pulis

Pulis: ito ba yung inireport na may nanggugulo daw?
brgy tanod: oo

nireport pala ng kuya ni nanay na NANGGUGULO ang aking TATAY sa BRGY at PULIS.... Ayus din Bilis ATAPANG NG KUYA MO NANAY BIRUIN MO tumawag agad back up tapos ang report pa nanggugulo tatay ko, ayus!!! samantalang mag isa lang ang tatay ko... kakaiba kayo ang rangal nga nyo pwe

Pulis: sino nanggugulo dito ikaw ba? (sabi sa aking tatay)
Usi one: pinapauwi na kasi ikaw ayaw mo hayan pulis na ang dadampot sayo (sabi sa tatay ko)
Tatay ko : ay hindi po
Taong bayan: siya po
Pulis: ano ginagawa mo dito
Tatay ko : bibisitahin ko ang anak ko
Pulis: asan?
tatay ko: tinatago po nila
Pulis: dapat hindi dito nag uusap ang mga yan sa brgy.
Pulis: cge ayusin natin to sa prosinto para magka ayus kayo cge sumakay ka na... kayo po sumakay na din... may sasakyan po kayo sumunod na lang po kayo...

agad sumakay ang tatay ko sa mobile at nagtxt si tatay sa kapatid about sa nangyayari sa kanya sa NE.

 Sa Police Mobile

Tatay ko: Hindi po ako nanggugulo gusto ko lang makita ang anak ko..
Pulis: yun kasi report sa amin...

Pinakita ni tatay ang BC ko sa pulis..

Pulis: may karapatan ka nga makita ang anak mo nakapangalan pala sayo... pero dapat nagpasintabi ka muna.. Dumaan ka muna sa prosinto at humingi ng escort sa amin para naiskurtan ka namin... hindi nyo bibira ka na lang ng ganyan yan tuloy inabot mo..
Tatay ko: yun nga lang po ang mali ko..

Sta Rosa Police Station sa Likod ng Municipal Hall (near palengke ng Sta. Rosa NE)

Investigator: ano ang problema
Pulis: ito yung nireport na gulo sa Lourdes
Investigator: ano ikulong na natin yan
Lola NapolesBulaklak: (sa parehas na awitin na What the raflesia say) blame blame blame (with matching background ng bunsong kapatid ni nanay postpartum)....

Inintay ni tatay na matapos magsalita ang aking lola at itong anak niya...

tatay ko: pano po ako di magagalit sa mga pinaggagawa nila kung hindi lang sana nakisawsaw ang pamilya niya di sana lalaki ito...
Investigator: teka lang.... Alam naman natin na mabait sila at mabait din kami at hindi naman kami katulad ng iba diyan na basta basta ka na lang ikukulong hindi kami ganun... taga san ka ba?
Tatay Ko: taga Muntinlupa po...
Investigator: kita muna taga Muntinlupa ka pala... (sabay Tawa).. Baka dito ka matuluyan makulong....

Sa isip ng tatay ko sa anong kaso at bakit nyo ako ikukulong ng basta basta.., cge lang gawin nyo Illegal Detention na yang gagawin nyo.... at ipinakita ni tatay ang dalawang BC galing sa NSO at LCRO Cab. sa investigator...

Lola NapolesBulaklak: Meron din kaming NSO na lumabas katulad niyan..
side ni Nanay postpartum (aLMA sUMANG): ganyan din nangyari sa bc ng anak ko pwede yun kasi may mali at di pa yan nakafile mismo sa NSO..

nagulat ang tatay ko sa wika ni lola NapolesBulaklak, so 2 na ang pangalan ko sa NSO, di ba naisip ng pamilya ni Lola NapolesBulaklak ang kahahantungan ng Ginawa nila (SIMULATION OF BIRTH AS CRIMINAL OFFENSE)...

Lola NapolesBulaklak: iginagalang kami tapos ganyan gagawin niya at kilalang kilala kami po...Manager po ang anak ko iginagalang ng mga tauhan niya po... at nung pang nasa pampanga pa lang ang anak ko ayaw na ng anak ko sa lalakeng yan na makipagbalikan kaso lagi siyang hinaharas niyan kaya napilitan lang siya na makipagbalikan
Bunsong kapatid ni nanay:  Limang taon na yang walang trabaho , kapal ng Mukha ang gusto ay paupo upo lang...... at kaya pinapalitan kasi simula pa lang ayaw na ng ate ko yun ang ipangalan sa bata, tsaka di sila kasal kaya mali yung binigay nyang name dun.. ( perjury at false statement na pinagsasabi mo)
tatay ko: Alam nyo dapat po kaming dalawa ni Ann ang nag uusap dito.

Side ni nanay postpartum: Nanay niya naman yan
tatay ko: kaya nga po gumugulo dahil sa pangingi alam nila kaya lumaki ang gulo kung pinag usap nyo kami noon di sana di ganito ang hirap sa inyo gusto nyo lagi makisawsaw eh wala nmn kayong alam... wag ipilit na kayo nasa wasto tingin muna sa salamin...

pinag aralan ng investigator ang 2BC na dala ni tatay...

Investigator: Teka lang po noh may nahawakan akong kasong katulad nito.. ipasundo nyo nga anak nito para matanong natin?...
side ni nanay postpartum: wala po sya nagtatrabaho po sa Puregold, may pasok po.. ( ang Alibi nila)
Investigator: ah ganun ba? alam nyo po mahirap po ito dalawang pangalan ng bata mahihirapan po ang bata nito tsaka po dun sa nahawakan kong kaso yung nanay naman nag abroad at naiwan ang bata sa pangangalaga ng lolo at nagsampa itong ama sa kostodeya sa anak syempre sya ang ama mas may karapatan sya at nagdemanda ang ama, at may lumabas na arrest warrant dun sa matanda..., at baliktad ngayon siya pang ang humihingi ng araw para makita ang apo... Alam nyo po Criminal case po ito at lahat ng mga nakapirma dito madadamay po... at dapat po sundin nyo yung Timely Registered na BC...
Lola NapolesBulaklak: ok lang na yun ang ipangalan sa bata (yung timely Reg na BC ko) , nasa amin naman ang bata...
investigator: ganito na lang kunin ko ang profile mo. patingin ng ID mo.
tatay ko: bakit po?
investigator: para pag pumunta ka uli dito ikukulong kana..pinabloter nyo na ba ito?

kinuha ang buong Detail ng profile ng tatay ko SSS ID and Address

Lola NapolesBulaklak: Opo....
tatay ko: Opo at sa buong Nueva Ecija pa nga po ... sabay ngiti ng tatay ko
bunsong kapatid ni nanay: pagkatapos mong mura murahin ang ate ko.
Tatay ko: ikaw, di ba nung nasa inyo ako alam mo kung paano ako mura murahin ng kapatid mo diba?

Natahimik ng bahagya ang Bunsong kapatid ni nanay.

Investigator: tumahimik  nga kayo dyan kaya nga kayo dinala dito para ayusin ito lumabas na kayo dito at may magdadala sa inyo sa DSWD para pag usapan ang dapat gawin.

Mas pabor pa ang mga pulis sa lahing Raflesia iba talaga pag kilala tsk tsk at yun na ang imbestigasyon ng pulis... ganyan ang pulis sa Bayan ng nanay ko... Kay Rarangal wala akong masabi sa lahi ng Nanay ko... kakatawa nga sa kanyang job dami niya natatanggap na Death Threat wala naman magawa ang kanyang pamilya hinggil dun kasi di niya kilala at syempre ka lugar nya din takot lang nya.... kaya ka kinukulam ng mga dati mo kasamahan eh ganyan ka nanay postpartum.. Baka mangyari sa tatay ko yung ginawa ng Guimba Police Station sa Nueva Ecija na na Aired last Jan 17, 2013 sa T3 reload SUBUKAN NYO LANG!!..


Sa Entrance ng Police district Station pa din

Pulis extra (SPO1 SANTIAGO): dito muna ho muna kayo maupo muna kayo, ito ba yung nanggugulo?
Lola NapolesBulaklak: Siya nga (start the music again what the Raflesia Say) blame blame blame
(duet sila ng anak niyang bunso, isa ang tono)
Pulis Extra: ikulong na yan, nanggugulo pala eh... pinabloter nyo na ba ito?
Lola NapolesBulaklak: oho (start the music again what the Raflesia Say) blame blame blame
Pulis Extra: eh dapat dito kinukuhanan ng picture for Identity, tapos pa print nyo yung Picture, para pag pumunta uli yan may paglalagyan na yan.. sige kunan nyo ng picture.. umayos ka nang upo.
tatay ko: bakit nyo ho ako kukunan ng picture?
pulis Extra: umayos ka nang upo mo

sabay lapit ng side ni nanay postpartum at sabay Video sa tatay ko habang nakangiti pa.. Wow Ha kaya naman pala naka Ipod pa sabay punta sa bunsong anak ni Lola NapolesBulaklak at ipinakita ang Video sabay ngiti nang dalawa....  Nagwapuhan ata sa tatay ko at nabakla sila hahahaha LOL....

Lola NapolesBulaklak: uwi na po kami
Pulis Extra: Cge ho kami na bahala dito

Nagtaka ang tatay ko kala niya pupunta pa sila ng DSWD, pero hindi na ito natuloy.. Pinauna ni tatay ang mga Raflesia..

Ipinakita uli ni tatay ang 2 BC sa Pulis Extra ngunit hindi rin nila alam about sa pano ang Rules ng BC about sa Illigitimate Child... at iba ang explanation nila Dito. Di na nakipagtalo ang tatay ko.. at inexxplain niya sa pulis kung bakit ganun ang ginawa nila sa tatay ko pero parang di rin sila nakinig sa side ng tatay ko..

Radio operator: ikaw ba yung nireport na nanggugulo?
tatay ko: hindi po ako nanggugulo
radio operator: yun ang report na narecieve namin kaya kami nagpadala agad ng Mobile..
tatay ko: (napatawa na lang ito sa isip niya) bibisitahin ko lang po ang anak ko
Radio operator: tigas pala ng ulo mo eh, side mo lang ang pinagpipilitan mo? Alam mo ba tingin sayo dun?
tatay ko: ( sa Isip ng tatay ko alam niyo na ba ang side ko?) parang Criminal nga
Radio operator: yun nga ang pinopoint ko, kahit maganda hangarin mo  pagdating sa kanila di nila nakikita yun buti nga yan lang inabot mo at dumating agad ang pulis...
pulis 1:  taga san ka ba
tatay ko: taga Muntinlupa po
pulis 1: may kilala ka ba dito?
tatay ko: wala po
pulis 1: Wala ka kamag anak dito?
tatay ko: wala po hindi ako taga dito?
pulis 2: san kayo nagkakilala nun?
tatay ko: sa laguna po?
pulis:  taga san ba mga yun?
Tatay ko: taga malol... ay taga Lourdes pala
pulis: taga Lourdes pala, alam mo ba yung brgy na yun?
tatay ko: Hindi po?
Pulis Extra: yung mga lahi ni ---------, buti yan lang inabot mo at di ka binugbog.. alam mo ba yung mga magkakadugo?
pulis: alam mo pwedeng pwede ka patayin dun at ipaagos sa ilog at walang tatayong witness dun para sayo, kasi magkakakilala ang mga taga doon.. ganun ang mga tao dun..
Pulis 2: maawa ka sa Sarili mo kawawa ka pag namatay ka bata ka pa? pabayaan muna anak mo.. marami naman kayong ginaganyan ang gawin mo maghanap ka nang trabaho at bumalik ka dito ipakita mo sa kanila na kaya mo kasi pag ganyan tatawanan ka lang ng mga yan...

napaisip ang tatay ko kung ang mga itoy nananakot lamang ba ? or concern?... Sabagy may mga point nga sila... pero ONE Sided Lahat ng tao sa Lugar nang nanay postpartum ko... kumbaga HAWAK nila lahat at nasa kanila ang kapangyarihan, kung di dala ni tatay ang ebidensya na BC malamang sa kangkunang pupulutin ang tatay ko... Bigo umuwi ang tatay ko na makita ako... bago tuluyang umuwi ang tatay ko Pumunta muna siya NSO Cabanatuan sa NE Pacific Mall upang ikumpirma kung may lumabas ngang  BC ko na Late Reg. Sa kanila at kinumpirma mismo ito ng Staff ng NSO Cabanatuan, pati sila nagtaka bat may lumabas?...... Isa lang napatunayan ng Tatay ko Certified na mabulaklak na halik ni hudas nga ang mga Raflesia dinaan sa Teretoryo ganito sila Lumaban.... Isang maduming laro na para bang may itintago na katotohanan.. I stil Know what you and your family did last summer 2013 Raflesia? I never Forget, i never forgive, Expect karma soon!!!!!!

I-Docu

No comments:

Post a Comment